Pangarap Ng Ofw Poem by Jesus Diaz Llorico

Pangarap Ng Ofw



'Ako'y gaya ng mga pangkaraniwang tao
Na dito sa gitnang silangan nagtatrabaho
Mga nakasanayan nang tawaging ofw
Na ayon sa iba'y may ginintuang puso!

Ang magtrabaho dito'y nakakasiphayo
Pagkat ang ibang lahi na makatrabaho
Karamihan ng gawain nila'y 'di wasto
Kaya ang hirap napupunta sa Pilipino!

Buong araw na kayod ay masigla naman
Basta't lagi kasama ang mga kaibigan
Kaya lang pag-uwi na kinahapunan
Dito na nag uumpisa ang kalungkutan

Sa amin ang pahinga ay 'di lang paghiga
O manood ng teleserye ng mga artista
Kahit may ginagawa sa tinirhang bahay
Mga isip lumilipad sa mahal sa buhay

Na sana'y sila ay makita at makamusta
Ng harapan at matanong ang araw nila
Kung may problema sa kanilang eskwela
O 'di kaya'y naging masaya ang araw nila

Ito ang tunay na nakawawala ng lumbay
Siyang tanging lunas sa daan ng buhay
Na pagod ay nawawala kapag kausap sila
At hindi ang paghiga na akala ng iba

Pangarap na may kaakibat na hinagpis
At lihim na tinatago sa puso at isip
Mga katangian ng mga dakilang ofw
Na tinaguriang mamamayan ng mundo.'

Wednesday, September 17, 2014
Topic(s) of this poem: love and pain
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success