Papayat Poem by Rey Benipayo

Papayat

Hindi na ako kakain ng marami
Mga masusustansya na lang
Iiwas na ako sa mga matatabang pagkain
O mga junk foods at mga cakes
Parati na akong mag- eexercise
Pupunta sa gym at magzuzumba
Magjojogging na ako tuwing umaga
At magiging active na ako sa buhay
Dahil hindi na kita iisipin pa
Magbabago na ako at ipapamukha sayo
Kung sino ang taong brineak mo
Ang taong sinaktan mo nang malala
Na halos magpakamatay sa sobrang sakit
Kaya humanda ka dahil pag ok na ako,
Ikaw naman ang sasaktan ko!

Thursday, November 1, 2018
Topic(s) of this poem: depression,hindi
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success