Panahon pa ng Kastila
Sinasampal ka na sa mukha,
Binulag ang mata
Upang hindi mo makita-
Ikaw ay may tanikala
Isipan nga ay dukha
Sa banyaga ay alila
Bansang hubad at ulila!
Kalas na ang iyong tali
Dahuhang amo ay nagapi
Bakit nga nananatili
Pag-iisip nakatali?
Bakit di pa rin humayo
Silayan mo ang totoo?
May Diyos, Siya'y narito
Wala sa sinasambang bato!
Tumawag ka aking Bayan!
Iwanan mo ang nakaraan-
Ang Diyos natin ang hawakan
Isipan mo ay buksan!
All rights reserved ~~~Cynthia Buhain-Baello~~~~11.29.13
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem