Masked lady

Rookie (October 27,1956 / Manila, Philippines)

Pinoy - Nagsasawa Rin Pala Ang Puso - Poem by Masked lady

Ang sabi mo mahal mo ako
At minahal kita ng ikaw,
Walang pera, walang kayamanan,
Basta minahal kita dahil mahal kita.

Maraming pagsubok ang dumating
Maraming beses katapatan mo ay sinubukan
Tukso ay walang humpay, walang tigil,
Tatag nati’y kapwa tinimbang.

Ang sabi ko pamilyang ito’y ipaglalaban
Hindi susuko pusong nagmamahal,
Ang sabi mo’y lilipas din yan,
Sa hirap at ginhawa tayo’y magsasama
Ngunit pangako mo'y iyong kinalimutan.

Ilang beses ba dapat subukan ang katatagan?
Ilang beses bang dapat masaktan ang nagmamahal?
Ito ba ang nararapat sa pamilyang nagmamahal ng tapat?
pamilyang umaasa ng kalinga’t katapatan?
Bakit sa puso mo ito’y di naming makita?

Ayaw man sana, hindi na rin mapigilang
Mapagod ang pusong labis na nasasaktan,
Ayaw man sumuko wala na ring magagawa,
Sapagkat nagsasawa at napapagod din pala ang puso!


Masked Lady
12.13.09


Comments about Pinoy - Nagsasawa Rin Pala Ang Puso by Masked lady

  • (12/26/2009 5:17:00 AM)


    A very lovely poem...sometimes there is an end to patience and to be curtailed if only one is suffering and there is no relief and of course the heart and the love can give up...a nice simile write....10 (Report) Reply

    0 person liked.
    0 person did not like.
Read all 1 comments »



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Sunday, December 13, 2009

Poem Edited: Saturday, February 20, 2010


[Report Error]