Si Jon… kung siya’y pagmamasdan,
Tila ba isa lamang pangkaraniwan
Minsan tahimik lamang sa isang tabi
Iniisip niya’y dimo mawari.
Si Jet…. Kay gandang bata,
tila nangungusap ang mga mata;
Kay ganda ng ngiti, kay sarap tumawa,
Pag iyong narinig, tiyak ika’y mahahawa.
Si Jon, si Jet, kay ganda nilang pagmasdan,
Larawan ng mag-amang tunay na nagkakaunawaan;
Parang magkaibigan lamang,
Ngunit paggalang sa isa’t isa’y di matatawaran.
Si jet,17, di pa ganap na dalaga,
Ngunit hindi na rin naman bata;
At pag siya’y iyong makikita,
Sa tuwa't saya tiyak ika'y mahahawa.
Si Jet, hindi na bata, hindi pa dalaga,
Pero sa kilos at pananalita niya iyong makikita;
Paano siya pinalaki ng mga magulang niya,
Mabuting halimbawa ng kanyang mga kapwa.
Si Jon, Si Jet… pati na ang nanay niya na dko pa nakikita,
Diko man sila lubos na kilala;
Ako’y labis na humahanga at pag sila’y aking naaalala,
Aking nasasambit, nawa'y dumami pa ang tulad nila,
Ng wala ng napapariwarang bata.
Masked Lady
05.14.09
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
I wish this poem way translated, it helps reach a wider audience