Pr Pr Na Lang Poem by Rey Benipayo

Pr Pr Na Lang

PaPR PR na lang pala
Ang laban ngayon
Kung isa kang politiko
O tatakbong pagkapolitiko
Para makakuha ka ng maraming boto
Para makakuha ka ng simpatya
O kaya'y mapagtakpan
O kaya ay makalusot
Sa kung anong kalukohan
O kabulastugang ginawa?
Hindi ba puwedeng magpakatotoo na lang?
Hindi ba puwedeng ilabas niyo
Ang totoo niyong kulay
Sa harap ng media
Sa harap ng maraming tao?
Tama na itong mga panloloko
Tama na itong mga kaplastikan
Mga nakakasawa nang kaepalan
Mga paawa effect at mga kadramahan
Ang kailangan namin ay politikong matino
Yung politikong masipag magtrabaho
Maraming nagagawa ibalita man o hindi
At higit sa lahat yung taos sa puso
Ang paglilingkod sa bayan!

Tuesday, October 16, 2018
Topic(s) of this poem: anger,hindi
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success