Purdoy Poem by Rey Benipayo

Purdoy

Kung puwede lang
Bilhin ang salitang
Pag-ibig, Pagmamahal
Ay bibilhin ko!

Bibili ako ng madami
At ipamimigay ko
Magtitira ako para sa akin
Dahil mag-isa lang ako.

Kung naka-sale man ito
At may bonus na mga salitang,
Tunay, tapat at magpakailanman
Ay magwhowhole sale ako.

Pero imposibleng mangyari yan,
Imposible ring magkatotoo
Kaya, hangang pangarap ko na lang
Hangang sa mga panaginip na lang

Dahil kailangang pagsumikapan yan
At walang halaga ang mga yan
Kung meron man, sa totoo lang
Di ko naman mabibili, wala kasi akong pera.

Saturday, March 14, 2020
Topic(s) of this poem: love,money
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success