Richard R. Navarro


Sa Aking Pangungulila - Poem by Richard R. Navarro

pagod man ang isip
sa ingay ng mga banyagang salita
pinalilingap ang puso
upang hanapin
ang kapahingahan
sa ala-alang iniingat-ingatan
na tanging damdaming nagmamahal
ang makauunawa

manhid man and damdamin
muling nabubuhay
sa mga hinagap
na tanging larawan mo
and siyang nakikita
maamong ganda
na pinalamlam
ng iyong mga ngiti
na siyang tanging kulay
ng aking buhay

saglit na tumatakas
sa katotohanan
upang hanapin
ang tibok ng pusong nawalay
sa katahimikan
umiiyak ang pusong
hinahanap ang tamis at lamyo
ng iyong tawa't salita
habang patuloy na umiibig
nang tapat at walang hanggan


Comments about Sa Aking Pangungulila by Richard R. Navarro

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Monday, April 14, 2008

Poem Edited: Monday, April 14, 2008


[Report Error]