pagod man ang isip sa ingay ng mga banyagang salita pinalilingap ang puso upang hanapin ang kapahingahan sa ala-alang iniingat-ingatan na tanging damdaming nagmamahal ang makauunawa manhid man and damdamin muling nabubuhay sa mga hinagap na tanging larawan mo and siyang nakikita maamong ganda na pinalamlam ng iyong mga ngiti na siyang tanging kulay ng aking buhay saglit na tumatakas sa katotohanan upang hanapin ang tibok ng pusong nawalay sa katahimikan umiiyak ang pusong hinahanap ang tamis at lamyo ng iyong tawa't salita habang patuloy na umiibig nang tapat at walang hanggan
Delivering Poems Around The World
Poems are the property of their respective owners. All information has been reproduced here for educational and informational purposes to benefit site visitors, and is provided at no charge...
3/4/2021 2:59:50 PM # 1.0.0.510