Sa Isang Lugar At Panahong Pareho Tayong Masaya Poem by Ariel Valerio

Ariel Valerio

Ariel Valerio

Cabanatuan City, Nueva Ecija, Philippines

Sa Isang Lugar At Panahong Pareho Tayong Masaya

Hihintayin kita.

Tulad ng pagyuko
ng mga talahib sa tag-araw
o pagsisid ng mga bulig
at hito sa ilalim ng putik
kapag tigang ang parang
at nagbibitak-bitak
ang mga pinitak.

Hihintayin kitang magising
mula sa mahabang pag-idlip
habang humihilikhilik ang hangin
sa iyong antuking paligid.

Baka sakaling
ihatid ka sa akin
ng tag-ulan.

Thursday, June 11, 2015
Topic(s) of this poem: hope,love
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
A lover hopes to see his loved one.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Ariel Valerio

Ariel Valerio

Cabanatuan City, Nueva Ecija, Philippines
Close
Error Success