May nagmumukmok, naglulunoy
sa mga ala-alang hatid
ng maiilap na ngiti.
May nanghihinayang, nagsisisi
sa di pagsunggab sa kapritsong
handog ng araw na dumaan.
May nagagalak, nagsasaya
pagkat nakalaya mula sa
ganid at sakim na pamamahala.
Sa kambas ng gabi
nakapinta anyong sari-sari.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem