Sa tuwing siya'y nag-iisa
Sa kalangitan nakatingala
Isipan ay nakaalagwa
Damdamin ay nangungulila
Puso niya ay sugatan
Sinubok ng kapalaran
Tindig niya'y nabawasan
Mailap makipagkwentuhan
Bigat ng kanyang nararamdaman
Di maarok, di mailarawan
Sa tindi ng pagdurusa't pinagdaanan
Kalikasan lamang ang tanging kaibigan
Kapag bumubuhos na ang ulan
Mistulang palakang natubigan
Ngiti niya'y doon lang masisilayan
Boses niya'y doon lang mapapakinggan
Dapyos ng malamig na hangin
Sa tuwina'y nais niyang namnamin
Kahit gabi pa ay lumalim
Nakadungaw pa rin sa bintanang malihim
Mga kaluluwa ay umaali-aligid
Subalit pintuan ng puso'y di mabatid
Lagusan kaya'y maluwang o makitid
May puwang pa ba o marami nang nakasilid
Tanging panahon lamang ang makapagsasabi
Kung kailan muling mahahalikan ang kaniyang mga labi
Kung kailan muling titibok kaniyang puso
Kung kailan muling iinog sa tunay na mundo
Si Farah Lhuman.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem