Oo, sila nga!
20/20 vision
pero liwanag ay di makita…
may piring na mamahaling salamin
di pansin ang pawis
...tumulo sa pagal
ng katawan
ng manggagawa na kalam…
Oo…sila…sila, sila!
sa kaapihang tambad
nakatanghod pa rin,
tila tutang maangil…
umaasa sa pukol
umaamot ng kapiranggot,
marinig, pagbigyan
ang palahaw na daing!
Ahhh...ikaw na maging Sila…
inshallah!
(inspired by ADA David, ACT)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem