May bahid kabaliwang pumapasok sa isipan sa tuwing ang tulog sa gabi ay di nakakamit.
Madalas, inaalala ang napanaginipan sa katatapos na gabi habang pinapakiramdaman ang malamyang ihip ng hangin na dumadampi sa mga pisngi.
Di maiiwasan na ang kaabikat nito ay ang kalungkutang makikita sa mahinahong sayaw ng mga dahon sa awiting mapangaraping kaluluwa lang ang nakakasaksi.
Sa pangarap sila'y padipang naipako -Pilit inaabot ang panaginip subalit lumulutang sa kawalan ang pag-asang masilayan pa ito…
dahil sa pangangarap, pikit kanilang mga mata.
Sa pagkakapikit, idinuduyan sila palayo sa realidad at patungo sa kapayapaang dulot ng kahimbingan…
Kabaliwan…
At lango sa katahimikang
Kadiliman lang ang makapag bibigay.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem