Tanong Ko Sa Bayan Ko Poem by Rey Benipayo

Tanong Ko Sa Bayan Ko

Bayan kong Pilipinas
Tinatanong kita
Kamusta ka na ngayon?
Sa putik na kinadapadaan mo,
Nakabangon ka na ba?
Kahit ba konti man lang?
O kaya ay dahan dahan?
Kung hindi pa, paano?
Paano ka makakabangon
Kung kayo kayo mismo ang nagtatrayduran?
Kung kayo kayo mismo ang nagkukurakutan?
Kung kayo kayo mismo ang nagsisinungalingan?
Kung kayo kayo mismo ang nagpapatayan?
Huwag kayong umasa sa nakakataas
Hindi siya ang sulusyon o sinuman
Ang nakakataas ay nariyan lang
Para tumulong, hindi para tulingan ka
Para sumuporta, hindi para suportahan ka
Para gawan ng sulusyon ang problema ng bayan
Huwag ka sanang maging problema sa bayan
Dahil ikaw... oo ikaw nga
Ikaw mismo ang maaring maging solusyon
Kaya mong maiahon sa puntik ang bayan
Kaya mong gumawa ng solusyon para umunlad
Lalo na sa ngayong maraming panahon
Sa simpleng paraan lang
Alam mo na kung ano yun
Kaya mo yan, kayang kaya mo yan
Huwag ka lang magpakatamad
O kaya ay magbobobohan!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success