Tipanan Poem by Catherine Agunat

Tipanan

Rima at anyo sa imahinasyon lang matutunghayan
Hatid ay aliw sa pusong may alinsangan
Kasiyahan ay labis sa tuwing nararamdaman
Mga sandaling mundo'y may titik-tilamsik ng panitikan

Sa bawat sandaling isip dito'y magtampisaw
Nabubura naglalaho mumunting mang agam-agam
Kaya araw man o gabi sa lumulusong mula pampang
Sa iyong lalim na sa akin ay ligayang walang param

Kapag diwa'y ulayaw na ang kastilyo sa iyong hardin
Dimensyon ko'y lumalawak lumiliit aking dimdim
Dalamhati'y napapawi sa tuwang mong mandi'y lambing
Nagbibihis sa king lungkot ng buong ayang hangarin

Kaya sonata'y may indayog at lirikong parirala
Panahon na kapiling ka'y iniingatang mawala
Pasasalamat hindi lang dinuduyan nyaring puso
Kundi dasal ay mahimbing sa piling nang walang laho

Ito kaipala ang sanhi kung bakit ang ala-ala
At pangarap ay may tipanan tuwina
Ang saysay ng aking mundo akin lamang nakikita
Sa mga oras na kayong mga irog ay kasama.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success