LARUANG LANGIT
Kay sarap ng pakiramdam
Masayang laging nasa piling
Uubusin ang iyong halumuyak
Pipisilin mga katas ng bango
Babaligtarin para makuha lahat
Iikutin hanggang kaduluhan
Mga sulok didiinan sa yupe
Hindi na makaahon sa lubog
Luha mo'y iinumin niya lang
Mga tamis hihimurin sa'yo
Kakainin buong platong kaligayahan
Kawalan ang natira sa puso
Hibang ng kapaligirang tulala
Dalisay sa mata'y ngunit huwad
Pangakong pag-ibig na masang-sang
Inaliw, inakit, at binaliw sa laruang langit.
Tula ni: Herbert Guitang
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem