Traffic Poem by Laila Gabanes

Traffic

Bakit ba ang traffic ay nakakainip?
Lalo na't gusto mong makita iyong iniibig
Kung puwede lamang na ako na ang magpulis
Para daraanan ko naman ay bumilis bilis

Bawat minuto ay aking binibilang
Mga ingay at busina ay nagsabay sabay
Sigaw dito, hiyawan don, walang katapusan
Mas mabuti na marahil ay matulog na lang

Nang sa aking pagtulog ako ay nanaginip
Magkasama tayo dito sa mahabang traffic
Hindi alintana ang kilabot na traffic
Sapagkat nakagapos ka sa aking mga bisig

Nguni't ako ay biglang nagising
Nalungkot itong yaring aking damdamin
Wala ka sa tabi ko at hindi ikaw ang kapiling
kung hindi ang driver na nagmamaktol na rin

Oh Traffic, oh traffic kailan magbabago
Pati isipan ko ay nagugulo mo
Ibig ko ng matapos ang sakripisyong ito
Nang masilayan ko na ang sinisinta ko

COMMENTS OF THE POEM
Bri Edwards 23 November 2013

i got the traffic part! :) sorry, i don't read or write or speak Tagalog! thanks for sharing. :)

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success