Nikho Schin Valle (Philippines ;)
To:
Dr Tony Brahmin
Date Time:
4/9/2020 4: 00: 00 AM (GMT -6: 00)
Subject:
Sir, this is the translation for your poem about the abortion It's the best that i can do but it would be better if you find a better translator because I am a bisaya and this is the best t
Ako ay iyong anak ina.
Ako ay di nanggaling sa aking sariling ina.
Ang mga anghil ng Diyos lumipad pababa tungo sa iyong sinapupunan
Galling sa makapangyarihang kalangitan
At nilagay ako sa iyong banal na sinapupunan.
Di ako nanggaling sa aking sariling ina
Ginusto ito ng diyos.
Ako ay masaya sa aking bagong kuweba ng pagmamahal,
Sa iyong banal na sinapupunan.
At ako'y natulog doon ng mapayapa.
Nanuod ang mga anghel.
Sila ay nagdasal
Para ako'y palaging ligtas
Hanggang sa ako'y isilang sa balat ng lupa
Nagsanay sila ng makalangit na kanta para sa pagsilang
Para tumugtog ng mga gintong alpa sa aking kaarawan.
Ng ako'y natutulog sa iyong sinapupunan
Ang mga anghel ay pumupunta sa akin.
Di mo lang ito alam, aking pinakamamahal na ina.
Masaya ako na ako'y pinanganak
Bilang iyong pinakamamahal na anak.
Ginusto kung ngumiti
Ginusto kung kumanta
Ginusto kung maglaro
Ginusto kung sumuso sa iyo upang mainom ang gatas sa iyong suso
Hanggang sa ikaw ay kuntento na.
Ginusto kung Makita ang ngiti sa iyong mukha
Habang sinisipsip ko ang gatas mula sa iyong mapagmahal na suso.
Yan ang aking pangarap sa loob ng iyong sinapupunan, ina.
Ngunit sa isang malupit na araw
Pinili mong kitilin ang aking buhay.
Ang mga demonyo sa impyerno
Ay nadinig ang desisyon.
Dinala nila ang pinaka maingay na tambol,
Tumugtog ng mala-demonyong indayog.
Ang lahat ng mga demonyo ay nagtipon,
Nagtipon at sumayaw ng pabilog,
Habang tumatalon at kumakanta.
Sumayaw sila ng naka hanay.
Sumayaw sila ng pabilog.
Sumayaw sila gamit ang kanilang paa.
Sumayaw sila gamit ang kanilang mga ulo.
Kinanta nila ang pinaka mabangis na kanta
At tumugtog ang mga demonyong tambulero.
Ang buong impyerno ay masaya
Na pinili mong ako ay patayin.
Alam mo ba kung gaano ako umiyak?
Alam mo ba kung ilang anghel ang umiyak?
Alam mo bang ang buong kalangitan ay umiyak
Ng araw na ako'y namatay sa iyong banal na sinapupunan?
Sa mga sandali bago ako'y malupit na pinatay
Nakita ko ang makapangyarihang Diyos na umiiyak at walang magawa.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem