Takure.
Mainit na tubig.
Kape.
kinanaw sa ulingang takure
lasa ba'y garantisadong swabe?
Nilingon ko ang paligid...
sa gitna ng taniman ng Ipil,
hayun at may nakasalang
na ulingang takure.
Pinapaypayan
pagkaminsan ng ale
upang magningas ang apoy.
Papaano mo pagniningasin
ang apoy
kung kulang sa panggatong?
Parang senaryo lang yan
sa pulitika
O maging sa mayayaman
o mahihirap na antas...
NINGAS AY NAG-AAPOY
SA TINDI NG GATONG
AT PANGANGAILANGAN.
pagsisikap
katamaran
pangungurakot
paghihirap
paninira
awa sa sarili
pagmamalaki
pagkasuklam
pananamantala
pagnanakaw
pagkagahaman
inggit
poot
ilusyon
kawalang pag-asa
pangungutya
pagmamataas
pagkamakasarili
pakikipaglaban
atbp.
Lahat ng ito
ay dala ng
ULING sa KALAM ng SIKMURA.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem