Para kay Morning
Milagro ang dala ng araw na ikaw ay isilang
Ang dilim na bumabalot sa gabi ay pinaglaho
Rumaragasang liwanag ang pumaimbulog
Taglay ng una mong ngiti na kay ningning
Ginising ang matamlay naming paligid ng
Awit na likha ng bawat hihip ng paghinga
Bahaghari ng ligaya ang gumuhit nang ang
Rosas mong palad ay humaplos sa puso
Ikaw ay handog ng langit sa’ming tahanan
Epiko ang biyayang simbulo ng iyong ngalan
Liwayway ka ng pag-asa…gaya ng bawat umaga
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Beautifully penned, npkaganda ng pgkakagawa I'm so pleased to read this tagalog poetry in PH simply a magnificent write.