Sa unang pagpitik sa aking sinapupunan
Biglang kaligayahan aking nakamtan
Sa tuwi-tuwina ay inaabangan
Ang iyong walang sawang pag-iindayugan
Sa simula pa lamang, Ikaw ay akin ng minahal
Puso ko ay nag-uumapaw
Sa bawat pag-ikot, ay banal
Sa bawat pagtibok, Sa bawat pagsayaw
Di matanto aking naramdaman
Ikaw ay nais agad masilayan
Nais kitang kantahan
Makita ang iyong mukha at kabuuan
Aking pinakamamahal na anak
Ako ang iyong ina
Puso ay busilak
Para sa iyo gagawin ang lahat ng nararapat.
Copyright © Grace Svensson
December 12,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem