Pangarap Poem by Grace Svensson

Pangarap

Mula pagkabata ako ay nangako
Sa aking sarili na ako'y di hihinto
Sa pag-abot ng aking ginto
Di hahayaang ito ay mapako

Nagsunog ng kilay
Gumawa ng mahusay
Umaasang lahat ay magbibigay
Ng resultang matagumpay

Ngunit tahakin
Di madaling lakbayin
Tone-toneladang buhangin
Ang nakahain

Sa kabila ng lahat ako ay magsusumikap
Hahamakin ang lahat ng mga balakad
Tatahaking matuwid
Ang daan patungo sa aking pangarap.



Copyright © Grace Svensson
January 25,2018

Thursday, January 25, 2018
Topic(s) of this poem: dreams
COMMENTS OF THE POEM
Aya Sunga Askert 29 January 2018

Well done, Grace. Profound piece.

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success