Wooer Poem by rhona fabi

Wooer

sa aki'y bumalik mga alaala
mula nang una kang makita.
nang sa kaibigan ko nakilala ka,
'di inisip lampas ang madarama.
ang unang beses na umuwing kasabay ka,
ay naulit nang minsa't naging madalas pa.

mga lihim mong sa mata'y tumatagos,
pinatutunayan ng bawat mong ikinikilos.
hanggang isang araw may ipinabasa
sulat na gawa mong hango sa nadarama.
tinanong kung ako ang laman ng binasa,
sa sagot mong ngiti'y totoo pala.

nang minsang binitbit ang aking dala,
ikaw pala'y nanunuyo na.
nakatutuwa kang talaga,
nang patunayang ang maghintay ay mahalaga.
hinintay mo'ng araw ay dumating
ito'y masabi mong 'ika'y akin.'

saki'y ibinigay lahat ng kaya
wala sa'yo kahit mahirapan ka.
minsa'y iniisip kong nararapat ba
sa aki'y mapunta ka?
nalaman kong 'di ka kayang mahalin,
nagmahal na'y sinaktan din.


Copyright © 2007 by Ronalyn 'Rhona' T. Fabi
(An original poem written on the 3rd of June 2007. It is a poem made to be dedicated to M.Ace DM.)

(This literary piece is govern with the rights of the author. Anyone who wants to use this poem should first ask the author or contact at reiyuucy_26@yahoo.com)

COMMENTS OF THE POEM
Prince Obed de la Cruz 30 December 2009

maganda ito! .................

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
rhona fabi

rhona fabi

antipolo city
Close
Error Success