Puso'y lubos na manhid,
Sa bawat oras na sa buwan ay nakamasid.
Kalungkutan ay 'di mapigilan,
At mga matang wari'y batid, hindi masaksihan.
...
Naiwaksi ko ang irog kong pagkakakilanlan.
Tila'y naiwaksi ko rin ang aking natatanging paraluman.
Ako'y naging mitsa ng unos sa aking sarili.
Hindi ba't may dala itong dalubhati sa makulimlim kong paksa?
...
Sa tanawing puno ng kadiliman at misteryo,
Ako'y naglalakad kasama ang aking anino.
Batid ko ang paligid na tila'y manhid.
Wari'y pati ang mga rosas ay walang kulay, maging ay walang bahid.
...
Blankong Mundo
Puso'y lubos na manhid,
Sa bawat oras na sa buwan ay nakamasid.
Kalungkutan ay 'di mapigilan,
At mga matang wari'y batid, hindi masaksihan.
Habang nananghoy ang hangin,
Ramdam ko ang ginaw na dumadapo sa akin.
Lumbay sa aking puso't isipan ay 'di maiwaksi,
Tila'y mistulang ako'y nasa mundong blanko at madilim.
Nagtatago sa ilalim ng isang takipsilim,
Mga mata'y puno ng emosyong makulimlim.
Saan ba tutungo ang aking damdamin?
Tila'y namumuhay sa panaginip na 'di maamin.
Sa bawat ako'y gigising,
Sa aking sarili'y puno ng lihim.
Mga gunitang nais kong balikan,
Tinatanong sa buhay: ano nga ba ang kabuluhan?
Hinihiling ko sa buong kalawakan
Na sana'y ang damdaming ito'y mawakasan.
Sana'y sa pag-ikot ng oras, ang lahat ay lilipas,
Tulad ng bituing walang kupas.
Nakatingin sa kalangitan,
May mga bagay na nais kong makamtan.
Ngunit ito'y malayo sa aking pusong bigo.
Mababalik ba ang ngiting may dalang biro?
Hindi ko alam kung saan ko sisimulan.
Aking buhay, ano nga ba ang kahahantungan?
Tila'y sa lahat ng bagay ay may pag-aalinlangan.
Mababalik pa ba ang dama ng nakaraan?
Nais ko sanang madama ang tunay na wangis ng saya,
Ngunit ako'y puno ng pangangamba.
Pusong tumatangis sa isang mundong blanko,
Pakiramda'y puno ng alindasay.
Blankong mundo, saan nga ba ang kahahantungan?
Ang pusong bilanggo, 'di maitago.
Hihinto na sa kalungkutang wakas,
At magtatapos ng sambit ay pahimakas.