Naiwaksi ko ang irog kong pagkakakilanlan.
Tila'y naiwaksi ko rin ang aking natatanging paraluman.
Ako'y naging mitsa ng unos sa aking sarili.
Hindi ba't may dala itong dalubhati sa makulimlim kong paksa?
Ako'y naging unos ng kawalan.
Naging kahindik-hindik na makata sa aking isipan.
Wari'y ang mga adhikain ay hindi ko makubli.
Tila'y nakasilid sa piitang, animo'y hindi naaninag ng liwanag.
Sa kabila ng mga agam-agam na namuo sa aking sariling anyo,
Napagtanto kong ako'y hindi isang unos.
Ito lamang ay dulot ng pagtutuligsa kong lubos.
Ito lamang ay isang pagtantong ako'y naging ugat ng aking sariling unos.
Napagtanto kong, sa bawat malagom na pangyayari, hindi ko nararapat sisihin ang aking sarili.
Hindi ito ang aking bugna, sapagkat ako mismo ang gumagawa ng aking tadhana.
Ang unos na ito, kasama ang maulan na pangyayari, ay kusang titila.
At sa bukas na ako'y gigising, ako'y isisilang muli, dala ang pagpapala.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem