Sa tanawing puno ng kadiliman at misteryo,
Ako'y naglalakad kasama ang aking anino.
Batid ko ang paligid na tila'y manhid.
Wari'y pati ang mga rosas ay walang kulay, maging ay walang bahid.
Nagsimula ang ilang araw at ikaw ay nasaksihan,
Ikaw ang nagbigay ng kariktan sa mundo kong walang kulay.
Mistulang isang diwata na katangi-tangi sa aking buhay,
At prinsesang papahalagan ko sa panghabang-buhay.
Mga matang puno ng kaligayahan,
At mga pusong nag-uumapaw sa emosyong 'di maamin, tila'y nasasaksihan.
Habang humuhuni ang mga ibon sa punong Berde at masigla,
Ikaw ay nakatatak sa aking puso maging sa aking ala-ala.
Kasama ka sa bawat tipanan na ating nagawa.
Sa bawat oras na ikaw ay nariyan, hangin ay matiwasay kay sarap pakiramdaman.
Ngunit agad akong napaisip, tila'y malaki ang ating pagkakaiba.
Ikaw ang buwan, at ako'y ay isang araw sa kalangitan.
Marahil ay hindi tayo ang para sa isa't isa, kaya at ikaw ay aking nilisan.
Bagkos tumatangis ang aking mga mata.
Sa gabing ako'y nakatingin sa mga tala, at ikaw ay naaalala.
Sa bawat oras na magkasama tayo ay nabatid kong isa lamang itong pantasya.
Makalipas ang ilang taon, ako'y bumalik sa hardin ng pangarap, naiisip ka sa mga ala-alang kay gandang naganap.
Tila'y nanananghoy sa hangin, upang ipabatid ang aking damdamin.
Ikaw ang buwang nagsilbing ilaw sa madilim na tanawin.
Subalit ako ang araw na naiiba sa atin.
Nakamasid sa dalahik ng dalampasigan,
Habang sinasambit ang salitang paalam.
Paalam at salamat aking buwan, ngayon ay maglakbay ka at hanapin ang iyong tala.
Sana'y sa susunod na taon, ay tayo'y magkitang muli habang dala ang pagpapala.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem