Huling Tanawin (Pagwawakas Ng Oras) Poem by Neal Aldrich Paderes (Azriel.)

Huling Tanawin (Pagwawakas Ng Oras)

Nag-iisa sa bilanggong puso,
Damdami'y puno ng pagsamo,
Sabay pagtangis sa bawat oras ng gabi,
Laging nakatulala sa isang tabi.

Ngunit nagbago ang lahat ng iyan noong nakilala ka sa isang hardin ng pantasya.
Oras ay batid, pati ligaya.
Kabuluhan sa aking sarili'y nanumbalik.
Kalungkuta'y tila naiwaksi, tulad
ng usok na naglaho.

Dala mo ang tila'y napakagandang simbolismo,
Na naghatid sa aking damdamin ng pagbabago.

Sa bawat oras na nariyan ka, aking oras ay perpekto.
Sana'y hindi na magtapos ang oras na punô ng ligayang 'di maipaliwanag.
Sa bawat pangyayaring kasama ka,
Naiiba ang mundo at nagkakaroon ng ritmiko.
Isang mahalagang tao sa aking buhay,
At nagdala sa aking mundo ng kulay.

Wari'y nabigla sa isang pangyayaring hindi inaasahan.
Naglaho ka kasama ang mga gunitang alaala.
Nananghoy ang aking puso, puno ng pagluluksa,
Yakap ang malamig na hanging may bakas ng luha.

Nakamasid sa isang may indayog ng alon,
Habang pangalan mo'y sinasambit, alaala ng kahapon.
Nag-iisa, nagluluksa, at wari'y damdami'y 'di maipinta.
Tila'y panaginip lang ang mga naganap, mistulang gunita.

Bagwis ng alaala ay pithaya maibalik.
Unos sa aking puso'y lubos na nanumbalik.
Pagtatalusirang sa pangakong isinambit,
Kasama ang huling pahimakas na sa aking damdami'y malapit.

Paalam at salamat, sapagkat sa bawat pangyayari't ala-alang kasama kita, ako'y naging masaya.
Batid ang pagwawakas ng oras na punô ng ligaya.
Bago magtapos ang huling tanawin, sana ay
Hindi malimutan ang bawat pantasya.

Hanggang sa muli, anghel ng aking buhay, at sa mundong maligaya.

Paalam.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success