'Aalis ka na talaga? '
Tumango ako sa tanong niya, alam niya na ang tungkol sa naging desisyun ko kahit pati yung sulat ni Sync alam niya rin.
'Iiwan mo ako? '
'Oo, pati ang puso mo Kevin, iiwan ko dito. Ayokong sumama ang puso mo sakin, ' hinawakan ko ang kamay niya at nilagay ito sa may kaliwang dibdib niya kung saan nakalocate ang puso niya, 'Leave an important thing to the right person.'
Tapos binitawan ko yung kamay niya at ngumiti sa kanya, 'And I'm not the right person, Kevin.'
'Pero Momo- -'
Hindi ko siya pinatapos at umiling na lang ako, 'Kevin, gwapo ko, mayaman ka, sikat ka, mabait ka, mapagkalinga ka, sweet ka, very thoughtful at grabe... napaka-ideal guy mo at sigurado maraming babaeng nagkakagusto sayo kaya ano ka ba, ' hinampas ko pa siya ng mahina at pabiro sa may braso niya at tumawa kuno, 'Don't waste your time one me! '
Hinawakan niya yung kamay ko matapos ko siyang hampasin sa braso, 'Ayoko ng iba, Momo. Pwede bang ikaw na lang, please? '
'Pinahihirapan mo naman ako Kevin eh, ' nakangiwi kong sabi, 'Aalis na ako at katulad ng sinabi ko sayo, hindi ko isasama ang puso mo sa pag-alis ko Kevin.'
Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya at tinignan siya ng diretso sa mga mata, 'I tried to set my attention to you but attention is way different from love, Kevin. I just can't love you not because you're not enough for me, it's just that you're not him. And you know how much I love him, still. I don't want you to wait for me anymore, Kevin. You're a very special friend to me. I owe you a lot and that's why I don't want to hurt you in the near future.'
'But by saying all of these, you are already hurting me.'
'Alam mo ba ginagawa sa para magpa-vaccine? '
Nagtaka yung mukha niya sa bigla kong pagbabago ng usapan, 'Huh? Nagpapaturok diba? '
'Yup, at alam mo ba kung anong tinuturok nila dun? '
'Teka nga, paano ba tayo napunta sa vaccines? ' naguguluhang tanong niya pero hind ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa sinasabi ko.
'Tinuturok nila sayo yung isang agent ng same microbe with the toxins ng disease na gusto mong iwasan at hindi makuha, alam mo kung bakit? '
'Ha? Ewan... ano, hindi kita ma-gets Momo.'
Ngumiti ako sa kanya, 'Kasi in order not to get sick, you must take a little part of the disease to get yourself immune and avoid getting the disease in the end. And that's what I'm doing right now, I'm vaccinating your heart right, giving you a little part of the pain so to avoid you from getting much greater pain in the future.'
'I can't return back your love for me, I'm sorry Kevin. Let's remain friends? '
Huminga siya ng malalim at pinilit ngumiti, 'I guess that's a better relationship than strangers, right? '
Tumango ako sa kanya at niyakap niya ako, 'I'll try not to sneak my heart into your luggage when you go. I'll miss you.'
And the next day, I left the country.
My grandparents accepted my condition and after 9months, I gave birth to a healthy young boy and he kinda resembles Sync. I named him Blue, remembering the favorite gatorade color/flavor Sync likes.
Sync doesn't know about him because I told him that my pregnancy was a false alarm and he'll believe that the rest of his life but I think it's better that way... and I don't even know where in this world he is right now.
I have conquered the sadness and I am not filled with any anger anymore, just a little regret. I have already forgiven Sync in my heart a long time ago.
And my baby Blue is the rainbow after those storms in my life. He's my happiness, my everything. I became a single mom but that didn't stop me from continuing my studies, it's very important for me to finish studying for my future and also for the future of my son. For the meantime, my grandparents are taking care of Blue whenever I'm in school.
I took the Education course, I want to be a teacher so I can teach my future students what I have learned in life - - that anger will take you to revenge and revenge might be sweet but it's never the solution. And also, I'd want to teach my future students that love, no matter what circumstances, forgives.
This year I just finished my second year in school, I'm already 22yrs old and it has already been 4yrs since I last visited Philippines and I badly miss the sunny country. And so I decided to go back and pay a little visit, after all I miss my bestfriend, internet and chats are not enough for us for I can't feel her warmth and I can't hug her. -__-
Then there are also other people I want to see again.
2yrs ago, I got in contact with Ate Corrine, Zeke and Mirko. Nagmeet sila ni Aila nung bumalik sina Ate Corrine at Zeke sa Manila dahil uuwi pala si Mirko galing Italy. Kaya naman kinuwento ni Aila ang tungkol sakin at sa paninirahan ko sa London at pati na rin sa baby kong si Blue. Alam na nila, ano pa ba dapat kong itago? Pero kahit sila nanghihinayang kasi kahit sila walang naging contact kay Sync eversince dahil miski numero ng telepono nito ay walang iniwan si Sync sa pagalis nito. He completely disappeared.
At dahil dun nagkakausap kami nina ate corrine, zeke at Mirko via chat and humingi na rin ako ng sorry sa kanila at nagawa naman nila akong patawarin right there and then. Naiyak pa nga ako ng makausap ko si Ate Corrine, I badly want to hug her that time.
Pero matapos ang iyakan session, natuwa naman sila at na-entertain na makita si Baby Blue sa webcam kasi nagko-crawl na siya at the age of 2... naiinip pa nga ako noon kasi ang tagal niyang lumakad pati magsalita, hanggang 'mimi' pa lang ang nasasabi niya... 'Mimi' as in 'Mommy', ganun ang pagpo-pronounce nya at kahit i-korek ko ay ayaw niyang baguhin, hala edi 'Mimi' na nga lang. Parang ang panget pakinggan pag pinagsama pangalan ko sa tawag sakin ng baby ko, just imagine - - Mimi Momo. Parang ba-be-bi-bo-bu lang eh. -_-
'BESTFRIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEENDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD! ! ! ' malamang sa malamang, pagkatungtong na pagkatungtong ko sa airport at pagkakitang pagkakita sakin ni Aila ay gusto na akong sunggaban niyan at yakapin slash ipitin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil baka masuffocate sa kanya si Blue na karga karga ko. Nakakapaglakad nanaman ito kaso pagod sa biyahe kaya medyo inaantok pa kaya naman kinarga ko na, grabe nga feeling ko superwoman ako kasi bukod sa may karga na akong baby may suot pa akong backpack na may laman ng lahat ng chechebureche ng baby ko, alam nyo na mga diaper, gatas, pampalit, polbos at kung anu ano pa.
'Ito na ba si Blue, aba ang gwapo gwapo at ang cute cute talaga ng pamangkin ko, ' sabi ni Aila habang kinukuha niya sa kamay ko si Blue para kargahin niya din. Ginawa kong tita si Aila ni Blue kahit wala siya sa binyag, pede naman daw yun eh basta may substitute lang.
'Ilang taon na ito,4 na diba? ' pagtatanong ni Aila habang tuwang tuwang karga ang pamangkin.
'Yup,4yrs old na pero bulol pa din. Mimi pa rin tawag sakin.' -___-
Tinawanan ako ni Aila, 'Hahahaha! Mimi Momo! '
'Che! Wag ka nga, pakigaya ka pa kay Blue eh.' -__-
'Mimi... pokemon... pokemon...' natawa ako bigla kasi nagising na si Blue at kinukusot ang mga mata habang tinuturo si Aila, si Aila naman naguguluhan.
'Ano daw, pokemon? ' pagtatanong sakin ni Aila.
Tawa pa rin ako ng tawa, 'He means 'who's this pokemon' meaning who are you daw! hahaha! Napapanuod niya kasi sa tv yung pokemon at syempre alam mo naman mga bata pag may mga naririnig, kaya ayun for asking someone who is he or she, he'll just simply utter 'pokemon' since he can't say the whole sentence yet.'
Natawa si Aila after my explanation, 'Aba, aba itong batang ito. I'm your aunt, Blue. Call me Tita Aila, okay? And I'm not a pokemon. HAHAHAHAHA! ' XD
'Girls, okay na yung mga gamit ni Momo sa kotse. So let's go? ' biglang dumating si Mirko para yayain na kaming umalis ng airport. Siya kasi yung kumuha ng mga bagahe ko at naglagay sa kotse niya habang nagchichikahan pa kami ni Aila dito.
'Thanks Mirko, sige tara na.' sabi ko habang nagdiretso na kami sa kotse ni Mirko. Siya kasi maghahatid sakin pabalik sa bahay kung saan may welcome party na ginawa ang parents ko.
'Ayan na ba si Blue? Such a cute boy, mana sakin, cute din! ' nagdahan dahan ako ng lakad para nasa likod nila akong dalwa, sa likod nina Mirko at Aila habang karga karga pa rin ni Aila si blue at pinipisil naman ni Mirko ang pisngi ng anak ko. From behind, they look like a happy family. Nakakainggit tuloy, siguradong paglaki ni Blue maghahanap siya ng tatay pero ano na lang kaya ang sasabihin ko? Hanggang ngayon natatakot pa rin akong harapin yung araw na itatanong sakin ni Blue kung asan ang tatay niya.
Oo nga pala, hindi sina Aila at Mirko. They're just friends kaya magkasama sila.
Pero even if they both deny it, makikita mo naman sa mga mata nila na parehas silang inlove sa isa't isa kahit hindi nila aminin.
Namatay na yung kapatid ni Aila na si Viency 2yrs ago, nag-undergo ito sa isang operation dahil lumalala na ang fracture sa ulo nito at hindi lang hearing sense nya ang nadadamay pati na rin ang eyesight niya at sobrang nanghihina na rin ito kaya nagdecide silang ipa-opera na ito but unfortunately hindi naging successful ang operation and she died.
I was so sad I wasn't able to go back in the country to comfort Aila dahil nung mga panahong yun I was taking my midterm exams and chances of going back was so little so I was just left comforting her on the computer screen.
Pero hindi lang si Aila ang nagsuffer sa pagkawala ng half sister niya kundi pati na rin si Mirko dahil nga mahal ni Mirko ang half sister ni Aila. And because they both lost someone important to them, they became each other's shoulder to lean on... and because of that, Mirko learned to move on and so is Aila with the lost of her half sister.
Thing is... in the process of comforting each other, they felt a greater feeling for each other. Actually si Aila matagal nanaman siyang may gusto kay Mirko pero sinubukan niya ng ibaon sa limot ang nararamdaman para magparaya dati sa kapatid pero dahil nga sa comforting stage na dinaanan nila ay bumangon ulit ang nararamdaman niya para kay Mirko and it even grew bigger.
On the other side, Mirko learned to look at Aila's eyes for real. He learned to see Aila as AILA herself and he fell inlove. He confessed it to her and asked her if he can court her but Aila rejected him because she's too afraid that he doesn't see her as HER.
Na-traumatized na kumbaga si Aila, hindi niya na magawang maniwala kung totoo pa ba sinasabi ni Mirko. She's afraid of getting hurt again that's why she doesn't give Mirko any chances anymore. Pero sabi ni Mirko, he won't give up, if it takes a lifetime for him to prove to her that he really loves her for real this time, he'll do it.
Kaya ayun,2yrs ng nanliligaw si Mirko kay Aila. Actually illegal nga panliligaw niyan eh, hindi nga siya pinapayagan ni Aila pero nangungulit pa rin ito. Pero sa tingin ko nanaman, nawawala na unti unti ang doubt ni Aila sa true feelings ni Mirko at konting konti na lang magiging happily ever after na rin sila.
Buti pa sila noh? Konting tulak na lang happy na.
At ang pinakamaganda pang balita sa lahat ay hindi lang sila ang magiging happy na kasi kaya talaga ako umuwi dahil invited ako sa isang kasal.
IKAKASAL NA SINA ATE CORRINE AT ZEKE!
Awww. Finally, ikakasal na rin yung dalwang yun. Sa hinaba haba man nga daw ng mga napagdaanan, ayan ngayon sila at ikakasal na. I'm so happy for them.
At si manager Ree? Ayun, happy family na sila ni manager Luke. May anak na nga din silang babae eh, magtu-two years old na. Nagkaayos din yung dalwa, actually nagbago na si manager Luke at nagsorry na rin siya sakin at gustuhin man daw niyang magsorry sa kapatid ay kahit siya walang ideya kung asan kaya ito ngayon.
Talagang wala ng nakarinig pa kay Sync pamula noon.
Haay, aaminin ko na hanggang ngayon ay siya pa rin.
Kahit nakalimutan na ng mga tao ang Syntax Error dahil sa mga ibang bandang nagsulputan, para sakin buhay pa rin sila sa isipan ko. Masakit pa rin hanggang ngayon para sakin na ako talaga yung naging dahilan ng pagkawala nila, kahit ba sabihing hindi naman na galit sakin ang mga miyembro ay hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako at hindi matanggap ang pangyayaring iyon.
Move on.
I tried but it's not as easy as you think.
Two words is completely different from a hundred of memories and a thousand of regrets.
'Oh Momo, natutulala ka diyan! '
'H-ha? ' nabigla ako nung tawagin ako ni Aila mula sa front seat ng kotse habang nasa likod ako ng kotse katabi si baby Blue na natutulog nanaman ulit.
'Haay naku, gutom ka na noh? Hayaan mo at marami naman handa kaming ginawa sa bahay mo. Naku, andaming naka-miss sayong bruha ka! '
Nginitian ko lang siya, 'Talaga? I can't wait.'
Tapos sumandal ako sa may bintana at tumingin sa labas.
'ibwa geogi, dangsin ap-e baeg beon jeondalhal su issseubnida? ' ♪
Habang nakatingin ako sa may labas ng bintana ng kotse ay narinig kong tumugtog ang radyo ng kantang hindi ko maintindihan, sa ibang lenggwahe ata eh.
'Teka, ano ba yang tinutugtog sa radyo? Bakit iba ata lenggwahe? Alien na ba mga singers satin ngayon? ' pagtataka ko.
Natawa silang dalwa, 'Hindi Momo, korean song kasi yan. Uso na kasi satin mga korean songs, nasasapawan na nga mga opms eh.'
'Ay ganun? Eh ano ba yang kanta na yan? ' tinutukoy ko yung kantang tumutugtog currently sa radio.
'Hear Me by MC.' ngumiti sila sakin.
'Oh.' yun lang yung nasabi ko.
Nakarating rin naman kami sa bahay, party party at grabe ang salubong ng mga tao sakin. Sobrang nakakamiss silang lahat. Sayang wala na si kuya.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem