Ang bawat nilikha sa balat ng lupa
Lahat dumaranas ng matinding pagluha
Kung ngayo’y kalungkutan ang binabata
Bukas makalawa’y ibayong saya
Sa bawat paghihirap na dinaranas
Tiyak magbubunga ng masaya at magandang bukas
Dahil sa pagtitiyaga’t pagsisikap
Makakamit din ang mithii’t pangarap
Sa tuwing sasapit and dapit hapon
Takot at lungkot sa puso’y natitipon
Ngunit sa pagsikat ng isang umaga
Sa puso’y pagsibol ng panibagong pag asa
Sa mga pagsubok na haharapin
Pagiging matatag dapat pairalin
Pananalig sa Diyos mabisang paraan din
Upang malutas mga suliranin
tama dapat huwag mahina ang loob sa ano mang problema manalig sa Diyos... ganda naman ng tula mo..kaylan kaya ako makagawa ng ganito... best regards, ency bearis
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
wow! Nice poem! You know ma'am, you must make a translation of this to an English version. Para naman maraming makabasa!