Pagsapit ng gabi,
Ulirang guro ay magsisimula ng maghabi,
Maghabi ng mga ideya at mga paksa,
Na ituturo sa mga studyante nya,
At kapag paghahanda ay natapos,
Ang tanong, sa mga puso ba ng mga studyante, ito ay tataos?
Sa maghapon, si guro ay nagdadaldal,
Sa harap ng mga studyante nyang mahal,
Susubukan nyang sila'y mapaniwala,
Sa mga ideyang kanyang inihanda,
Ngunit pagdating sa dulo,
Sila nga kaya ay natuto?
Natapos din mga aralin ni guro sa maghapon,
At oras na para mga ginawa ng mgastudyante nya ay bigyang atensyon,
Sa munting palasyo ni guro,
Hinuhusgahan nya mga gawa ng studyante nyangnumero uno sa kanyang puso,
At uumpisahan nyang tanungin ang sarili,
Anu kaya ang problema ni Lesli? Bakit kaya hindi pumasok si Kylie? Bakit hindi sumasagot si Lily?
Iyan lamang ang ilan sa mga tanong,
Ni gurong napakabuti ng intension,
Na tuwang tuwa kapag naririnig,
Ang magagandang tinig,
Ng mga studyante nyang sobra nyang mahal,
Handang pagurin ang sarili at maghapong magdaldal.
Upang sila'y magkaroon ng kaalaman,
Na magsisilbi nilang tunay na yaman.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem