Ano pa ang dapat kong gawin?
Upang maambunan ng kahit konting pagtingin
Kahit ano ay aking susuungin
Basta iyong hihilingin
Madali o mahirap man
Ito ay aking pagsisikapan
Kahit maging pawis at dugo ang puhunan
Upang pagmamahal ay mapatunayan
Ako ngayon ay litung-lito
Dahil sa sigaw nitong puso
Minsan…sumasakit rin ang ulo
Sa mga problemang dulot nito
Nawawala lang ang mga pangamba
Sa tuwing nasisilayan ang iyong ganda
Wala ng nanaisin pa
Kundi ang mahalin ka
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
good one.. when we fell inlove, we just keep on loving. nothing more nothing less, does not seek its own..