Oh sadyang kay saya
Ang magkaroon ng mga bagong kakilala
Kahit na iba-iba man ang ugali nila
Talagang masaya kapag kaibigan na
Nababawasan ang nadaramang lungkot
Pati pagsimangot at pagkayamot
Na walang mabuting naidudulot
Kundi mga problema at gusot
Kaya nga ako, y tuwang-tuwa
Mulang makilala ka
Bawat segundong lumipas ay mahalaga
Hatid sa puso ay ligaya
Maramiang sadyang nagbabago
Sa tuwing ikaw ay kasama ko
Pananaw ay laging positibo
Dahil tayo ay magkasundo
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem