Ang sabi ng doktor, ang puso ay traidor
Lalo't ang may-ari ay makolesterol
Kaya ang payo niya sa matanda't senior
Ingatan ang puso, cuida te corazon
Kaya huwag matakaw sa liempo at lechon
Crispy pata, pata tim, bulaklak na sitsaron
At huwag mahilig sa pagkaing mayumo
Kumplikasyon nito ay sa inyong puso
Ang sabi ko naman tungkol sa ganire
There're other kinds of heart of which you'd wary be
Sari-saring pusong dapat pag-ingatan
Pagkat sila't taksil, pusong salawahan
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem