Ang Aming Magulang Poem by Pacific Hernandez

Ang Aming Magulang

Rating: 5.0


Sa isang mag-anak ay meron pa kaya
Na sa ama't ina'y higit pang dakila
Na kahit sa angkang mahirap nagmula
Ang para sa anak, lahat ay ginawa

Sa paaralan ay di man nakatuntong
Mataas na aral di man nagkaroon
Binigyan ang anak ng pagkakataon
Na sa kahirapan ay mangakaahon

Di man napatira sa bahay na mansion
Ng malaking yaman di man nakaipon
Ang yaman nila ay sa anak naroon
Wala sa salapi kundi edukasyon

Ang amin pong ina ay tubong Montalban
At ang aming ama'y San Mateo naman
Ng anim na anak ay biniyayaan
Hanggang sa lumaki'y pawang ginabayan

Sa tamang ugali sila ay hinubog
Marunong magtiis kahit kinakapos
Mga pinalaki na mayroong takot
Sa batas ng tao at batas ng Diyos

Nang ako'y bata pa, natatandaan ko
Ang aming almusal lamang ay kung ano
Pan de sal na simple at walang palaman
Kapeng walang gatas lamang ang kasabay

Kung bakit gano'n lang, di dapat pagtakhan
Ay sadyang matipid ang aming magulang
Di ubos-biyaya kung may tinago man
Ang bukas ang laging pinaghahandaan

At tanda ko pa rin na kapag Deciembre
Sa Divisoria na sila'y namimili
Ng tela, damit at iba pang kalakal
Upang ipamalit ng tag-aning palay

Kaya laging puno yaong aming bangan
May pambentang bigas at panglaman sa tiyan
Hindi man marangya ang hapag kainan
Sumala sa oras, kami'y hindi naman

Noong Second World War, hinuli ng Hapon
Ang aming ama at saka ikinulong
Tumingin sa amin habang wala siya
Ay ang aming ina at wala nang iba

Nagawa niya iyon habang inaalam
Ang aming ama ba'y naroon kung saan
May dalang pagkain na pangtawid-gutom
Para sa 'ming ama na hindi matunton

Ginawa niya iyon lakad-takbo lamang
Sa panahong iyon na walang sasakyan
Hindi iniinda ang init ng araw
Ng tungkol kay ama'y makabalita lang

Ang pasasalamat namin ay sa Diyos
Nang higit sa isa, dalawang linggo halos
Ang aming ama ay bigla lang sumipot
Yayat na katawan may sugat at galos

Ikinuwento niya hirap na sinapit
Sa kamay ng mga sakang na pa'y singkit
Dahil daw sa gutom at matinding uhaw
Sila'y nagsiinom sa isang 'dirty' bowl

Sa bawat pamilya ay may'rong bayani
Na ng karangalan ay dapat umani
Sila'y walang iba kundi ang magulang
Na dapat mahalin at ating igalang

COMMENTS OF THE POEM
Manonton Dalan 01 January 2016

matagal ng di sumulat si lolo bakit kaya? ? ?

0 0 Reply
Ency Bearis 03 February 2009

this a wondeful poem ' Tula '...a true to write walk of life...this should be framed in big wall visible to all children in the school there..an inspiring image of the parents and for the future parents...excellent write...10

1 0 Reply
Meggie Gultiano 21 January 2009

this is a touching piece, and your parents molded you to be the best person God wanted to be.Our parents taught us to be kind, generous and never to give hurting words to others.We may not have material wealth, but our parents gave us love and care, . this is a wonderful piece, beautiful..A great tribute to your magulang.Saludo ako sayo, kabayan

1 0 Reply
Estrella Baldemosa 21 January 2009

a touching tribute to your parents...who earned that kind of deep respect from their children.

1 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success