Asong Ulol Poem by Pacific Hernandez

Asong Ulol

Nang ako'y bata pa'y nagtataka ako
Kung bakit lagi nang may ulol na aso
Ito ay hinahabol ng mga tao
May dalang pamalo na kahoy o tubo
Kahit makarating pa sa ibang barrio

Kaming mga bata ay takut na takot
Di namin malaman kung saan susuot
Malamang sa hindi, aso'y mamamatay
Dahil ng tao siya'y hindi tatantanan
Kahit makarating sila saan pa man
Sa ilog, sa bukid, at sa kasukalan

Ang nagsisihabol kapag napagod na
Sila na'y hihinto, di na hahabol pa
Ang magpapatuloy naman sa paghabol
Taong barrio kung saan aso'y napasuong

Hindi naman kaya napagkamalan lang
Ang pobreng asong di makapangatwiran
Nakita lamang ang tumutulong laway
O bahag ang buntot, yon na ay dahilan
Na ang kawawang aso na ay madeklara
Na ulol kahit na hindi naman siya
Natural lamang para sa isang aso
Na bahag ang buntot kapag dumadayo
Laway na natulo ay di laging tanda
Na ang isang aso'y nauulol na nga

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success