Bagsik Mo Yolanda Poem by MELVIN BANGGOLLAY

Bagsik Mo Yolanda

Y-olanda, bagsik mo’y grabeng sakuna
Na Hatid ay pait at lubos na pagdurusa
Ng mga kababaayang iyong sinalanta
Ng iyong paghihimagsik sa bayang dalita.

O-ras ng iyong walang humpay na pagbayo
Sa bayang ngayon ay lugmuk sa ginagawa mo
Na halos walang awang pinaghahampas mo
Ng iyong hangin at tubig ng buong bugso.

L-andas na tinahak mo’y lahat nagdurusa
Maraming buhay ngayo’y naging kaluluwa
At Libu-libong kababayan pa ang nawawla
Na dulot ay panaghoy sa bawat biktima.

A-no nga bang ginawa ng mga bayang ito
At di ka na naawa na hambalusin ang mga ito;
Ito nga ba’y iyong iyong pakana para ipakita
Na ang kalikasan ngayo’ysadyang nagagalit na.

N-awa’y Mahabaging Diyos ng mga Pilipino
Na lumikha ng lahat ng bagay dito sa mundo,
Ito ba’y pagpapakita ng iyong paninibugho
Sa pagyurak ng mga Tao sa kalikasan mo.

D-iyos na Mahabagin, kami nagmamakaawa
Nawa’y ilayo kami sa mga iba pang sakuna
Upang kahit papaano kami’y may pag-asa pa
Na makabangon muli na may ibayong panata.

A-ming mga panalangin at pagsusumamo
Na ang mga kaluluwang ngayo’y nagdurugo
Sa hirap at pait sa grabeng sakunang ito
Nawa’y ligtas na makarating sa paanan mo.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
MELVIN BANGGOLLAY

MELVIN BANGGOLLAY

Natonin, Mountain Province, Philippines
Close
Error Success