Cynthia BuhainBaello

Gold Star - 7,738 Points (November 17,1949 / Manila, Philippines)

Bala, Bala, At Bala Na Naman! - Poem by Cynthia BuhainBaello

Aba, naku! Kay daming biyaherong may bala!
Parang magic, himala, pero nakapagtataka!
Itong salaysay ng mga walang kaluluwa
Tila baga misteryo, kung totoo'y, nakakatawa!

Itong paglalakbay talaga bang naging uso?
Magdala ng bala sa bagahe, ito kaya'y ano?
Bakit kaya kay rami nitong mga biyahero
Hilig kaya nila mga anting-anting kuno?

Siyasatin! Siyasatin! Pilit na aalamin!
Sentido kumon na lang kaya ang ating gamitin!
Kay raming baliw kaya ang nagpupunta sa atin
Dala ang mga balang ito? Kaya nyong isipin?

Cynthia Buhain-Baello~~~~10.01.15

Topic(s) of this poem: corruption, greed

Form: Quatrain


Comments about Bala, Bala, At Bala Na Naman! by Cynthia BuhainBaello

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags


Poem Submitted: Wednesday, November 25, 2015



[Report Error]