Balimbing Poem by Pacific Hernandez

Balimbing

Salitang Balimbing, bakit nauso ba?
Sa RP politics, nababanggit tuwina
Anong katangian ito ba ay meron
Para politiko’y tawagin ng gano’n

Sa mga eksperto na aking tinanong
Iisa ang sagot, narito ang rason
Kahit daw aling side siya’y iyong tingnan
Iisa ang mukha, pare-pareho lang
Hindi mo matanto, hindi mo matiyak
Kung alin ang likod, kung alin ang harap
Hindi lang double blade, di lang doble kara
Kung hindi pentagram, ang mukha ay lima
Averrhoa Carambola ang scientific name
Katawagang tama’t dapat lang gamitin
Dahil sa kongresso, Carambola is the game

Kaya huwag magtaka, huwag ka nang magtanong
Bakit politiko’y tinawag ng gano’n
Sila ay enemies, protagonists noon
Ngunit magkakampi, buddy-buddy ngayon
Ang pride at prinsipyo’y wala at nilulon

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success