Bobotante Poem by Rey Benipayo

Bobotante

Ikaw ba'y isang bulag
O nagbubulag bulagan lang
Sa mga nangyayari sa paligid mo
Pipi ka ba talaga
O sadyang natapalan lang ng pera
Ang bibig mo mula sa kanila
Bingi ka ba o nagbibingi bingihan
Sa mga maling boses sa paligid mo
O sadyang natakot ka lang
Sa mga bagay na maaari nilang gawin
Kilala mo ba ang kandidato mo
Ano bang nagawa niya at magagawa pa
Karapat dapat ba talaga siya sa posisyon
Ginagamit mo ba ang utak mo
Kapag ika'y bumoboto
Iniisip mo ba ang bayan
Kung mapapabuti ba ito sa kanya
Kaanu-ano mo ba siya
Kaibigan ba, kapamilya, kapitbahay
Asawa, anak o kasintahan
May utang nang loob ka ba sa kanya
O may ipinangako siya sayo
Kung ganun, bago ka bumoto
Paki-sagot ng tanong,
Sinong nagpapasuweldo sa politiko?
Masusulit ba ang ipapasuweldo sa kanya
Pag nanalo siya?
Paki sagot dahil kung di mo masagot
At basta bumoto ka lang,
Bobotante ka!

Monday, April 29, 2019
Topic(s) of this poem: election,politics
COMMENTS OF THE POEM
Ency Bearis 01 May 2019

A powerful write of advocacy to those voters in the Philippines. Great thoughts.

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success