Inner Whispers

Rookie - 150 Points (May 25,2008 (d day this page was born) / Philippines)

! Busilak Sa Malamlam Na Liwanag - Poem by Inner Whispers

hinahanap ko ang ganda ng mundo
and awit sa mga nilikha ng Diyos
sa pamamagitan ng kani-kanilang katangian-
may matayog na lupa, may padausdos,
may makulay, may mapusyaw.

sayaw ng hangin, patak ng ulan
liwanag ng luna, kalat na paisa-isang bituin
bughaw na mapagmalaki,
kulay-abo na pighati
ngunit sa lahat ng ito
may maningning na bahaghari!

pagmamahal man ay magkulang
pigilan man ng agam-agam
lumikha man ng kabalintunaan...
pag-ibig ay sadyang makapangyarhan!

mananatiling may busilak...sa parang ng malamlam na liwanag!


Poet's Notes about The Poem

Busilak na puti sa malamlam na liwanag... Ganun ang nakita at naramdaman ko. At napangiti ako. Maswerte talaga ako dahil alam ko na marami ang nagmamahal sa akin. Love begets love... Na may pagmamahal ka'ng maaani kapag isa ka'ng tunay na mapagmahal na tao at di sakim sa kung ano lamang ang makukuha mo.

Maraming salamat sa mga taong may busilak na pagmamahal... isa kayong liwanag sa talutot ng buhay...

(Salamat sa aking kaibigan, Mariamaria Belen Malig-on at sa lahat ng aking mga minamahal na kaibigan at pamilya. Ako'y lalakad na.)

Comments about ! Busilak Sa Malamlam Na Liwanag by Inner Whispers

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, August 30, 2012

Poem Edited: Thursday, August 30, 2012


[Report Error]