Dpps (Dugo, Patak, Patay, Sigaw!) Poem by John Delle Panlaqui

Dpps (Dugo, Patak, Patay, Sigaw!)

Rating: 5.0

Dugo
Patak
Tunog ng putok ng baril

Dugo
Patak
Dalawang beses sa pagdiin ng gatilyo

Dugo
Patak
Shut Up!

'Shut Up! , My Father is a policeman! '

Dugo
Patak

Dugong pumapatak sa inosenteng mukha ng mag-inang pinatay dala ng init ng ulo ni Manong de Bala.

Dugo
Patak

Araw araw kalat at laganap ang balitang puro karahasan ng mga tagapag tanggol daw na sila ding pumapatay

Dugo
Patak

Putok ng isang pinuno na ang bunganga basura ang laman.
'I will protect you, I will not allow one policeman or one military to go to jail' sabi ng halimaw

Dugo, patak, putok, patay
'Do your duty. Do it in accordance with the law. Be alert and be wise. Alam mo, kaunting pagkakamali lang barilin mo na
yan'

Dugo, patak, putok, patay, linis kamay
Isolated daw ang case sabi ni Heneral ngunit mula pa noong dineklara ang 'War on Drugs' talamak na ang kitilan ng buhay.

Dugo, patak, putok, patay, linis kamay, magbanal banalan
Ang mga mulat na pero pinili paring manahimik at ipagtanggol ang pamumuno ng isang killer sa bayan ni Juan.

Dugo, Patak, Patay
Ilang buhay pa ba ang kailangang mawala bago ka kikilos sa kabila ng mulat kana sa katotohanan?

Dugo, Patak, Patay, Sigaw!
Huwag mo ng hintayin na pamilya mo o ikaw ang isusunod nila dyan!

Dugo, Patay, Sigaw, Laban!

Dugo, Patay, Sigaw, Laban!

Para sa Bayan!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success