Sa hal'muyak ng simoy ng hangin
Dumarampi sa aking mga pisngi
Wari'y naghahatid ng pag-ibig
Sa puso ng ada'y maligalig
Sana ay tangayin ako, sana!
Para maibsan lungkot at hapis
Nadarama sa kaibuturan
Damdamin ko ay muling sasaya
Hangin... Paparito, paparoon
Sipol ng mga dahon maririnig
Hirang! Tatangis ang kalangitan
Pag di mamasdan ang yung kariktan
Heto! Halika! Ako'y tangayin!
Upang damhin ang kadalisayan,
Handugan ako ng munting galak
Banal na hangin syang maghahatid
Wari'y natangay sa alapaap
Kahalubilo mumunting pilak
Madarama hangin sa magdamag
Ay siyang aking tanging kayakap
Tanging nagbigay ng tamang landas
Sa harden ng rosas umiikot
Sinasayawan ka aking hirang
Para dalamhati ay mapunas
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
A great write about nature and love.Beautifully crafted. Keep on writing.