Higpit Poem by Grace Svensson

Higpit

Andito ako, Andito ka
Ngunit tila ba na ako ay nag-iisa
Walang kasama
Nasaan ka nga ba aking sinta?

Ilang taon na nga ba?
Tayo ay magkasama
Magkatuwang dati rati sa tuwina
Sa ngayon para ba ay nanlamig na

Mga halakhak at kwentuhan
Ay nasaan na?
Haplos natin sa isa't isa biglang nabura
Wala na lahat nasira na nga ba?

Nakapanghihinayang ang mga sandali
Lalo na ang mga pangarap nating munti
Na biglang napalitan ng mga hikbi
Pagmamahalan na walang dili

Ngunit di ako papayag irog ko
Na lahat ng inipon nating pagmamahal ay maging tanso
Tayo ay lalaban at di papatalo
Sa hamon ng buhay na minsan ay nakakaloko

Hagkan mo ako mahal ko ng buong higpit
Hingahan mo ako mula sa iyong bibig ng mabalik ang init
Na matagal ko ng di sinapit
Ating pawiin at hilumin lahat ng sakit.



Copyright © Grace Svensson
February 25,2022

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success