Hindi Ako Sabaw Poem by Captain Herbert Poetry

Hindi Ako Sabaw

Rating: 5.0

Hindi ako mainit na sabaw
Hindi ako nainit na hinihigop
Hindi ako tinitikman na pagkain
Hindi ako nilalasahang isang bagay

May kaluluwa ako na higit pa sa mga nakikita ng mga mata
May damdamin ako na mas mahalaga pa sa mga materyal
May puso ako na higit pa sa mga buwan at mga tala
May isip ako na mas higit pa sa kahayupang isip ng mga taong hayop.

Unti-unti mong baguhin ang isip mo sa mga kababaihan
Unti-unting itaas ang paggalang kamalayan sa mga kadalagahan
Unti-unting gamitin ang totong katapatan sa kanilang kahinaan
Unti-unti lumangoy sa tiyaga at pasensya na hindi ginagamit ang puwersa.

Pigain pa ang sarili upang maunawaan ang kaniyang misteryo
Lutuin pa ang sarili upang kumatas ang tunay na pag-ibig
Nguyain  pa ang kalooban upang sisirin  ang kanilang malalim na pag-sinta
Hindi ako sabaw ng kahalayan at paksa ng sabaw ng pagtatalik.

Tuesday, June 16, 2015
Topic(s) of this poem: desire
COMMENTS OF THE POEM
Berlyn Estimada 21 July 2017

napakagandang mensahe para sa lahat, great poem,

0 0 Reply
Ceejey Ad 17 June 2016

sana'y maipaabot ito sa lahat ng tao, napakaganda..

0 0 Reply
Naida Nepascua Supnet 28 May 2016

napakaganda ng mensahe, nawa'y matimo sa isip ng lahat.

0 0 Reply

Maraming salamat Poet Naida Nepascua Supnet

0 0
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success