Hindi ako mainit na sabaw
Hindi ako nainit na hinihigop
Hindi ako tinitikman na pagkain
Hindi ako nilalasahang isang bagay
May kaluluwa ako na higit pa sa mga nakikita ng mga mata
May damdamin ako na mas mahalaga pa sa mga materyal
May puso ako na higit pa sa mga buwan at mga tala
May isip ako na mas higit pa sa kahayupang isip ng mga taong hayop.
Unti-unti mong baguhin ang isip mo sa mga kababaihan
Unti-unting itaas ang paggalang kamalayan sa mga kadalagahan
Unti-unting gamitin ang totong katapatan sa kanilang kahinaan
Unti-unti lumangoy sa tiyaga at pasensya na hindi ginagamit ang puwersa.
Pigain pa ang sarili upang maunawaan ang kaniyang misteryo
Lutuin pa ang sarili upang kumatas ang tunay na pag-ibig
Nguyain pa ang kalooban upang sisirin ang kanilang malalim na pag-sinta
Hindi ako sabaw ng kahalayan at paksa ng sabaw ng pagtatalik.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Astounding, insightful, and daring-content - these are the things that makes this poem simply amazing! Nice poem!