Pacific Hernandez

Freshman - 750 Points (September 17,1937 / Marikina City)

Ice Drop - Poem by Pacific Hernandez

'Ice drop! Ice drop! ' 'Bata! Magkanong ice dropp mo? '
'Ang isa ay diyes, tatlo'y beinte-singko.'
'Saan ka dadaan sa pagbabalik mo? '
'Yan ang di ko alam, di ko maseguro.'

'Sa pagbabalik mo'y dito ka dumaan,
ako ay bibili, pera'y wala pa lang.
Magwiwithdraw pa 'ko sa aking bank account.'

'Ano bang bank account ang sinasabi mo?
Batang-bata ka pa, tulo pa'ng uhog mo'
'Me bank account kami, joint kami ni Ate.
Winiwithdrawhan ko pag may emergency.'

Bata ay bumalik at ang kanyang tanong,
'Ano ba ang iyong paboritong flavor?
Munggo, chocolate ba o ito ba'y milon? '
'Ay! Kahit na ano, ang dami mong tanong! '

Habang hinihimod, ice dropp na masarap,
dumating si Ate, mata'y nanndidilat.
'Amang, alkansiya ko'y parang gumagaan,
ganoong palagi kong hinuhulugan.
'Naku Ate ako'y walang alam doon,
Mas mabuting sa 'kin, ang iyong,
'Anu-anong flavor ang ice dropp ba'y meron? '
'Iya'y masasagot ko, on that I'm very sure.'


Comments about Ice Drop by Pacific Hernandez

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Monday, February 8, 2010

Poem Edited: Tuesday, April 6, 2010


[Report Error]