Kalahating Bahagi (My Half) Poem by Captain Herbert Poetry

Kalahating Bahagi (My Half)

Rating: 5.0


Kapaligiran ko'y hindi matanaw
Mga tinig nila'y hindi madidinig
Mga salita'y utal-utal
Kung wala ka sa akin.

Isip ay magiging baluktot
Panglanghap ko'y magiging kulang
Sa aking panlasa'y hindi lahat matitikman
Sa aking pag-ibig ay bantulot.

Katawa'y hindi madampian
Papilay ang aking pagtakbo't at paglakad
Ako'y isa nang inutil
Patay na ang kalahating katawan

Subalit pag-asa'y nasa iyo lamang.
Tuwa't galak ang aking nararamdaman
Pag-iyak ng may dahilang pagmamahal
At tunay na Pagpapasalamat

Sa Kalahating Bahagi na inialay Mo sa akin
Magagandang kulay at tanawin akin ng napapansin
Mga magagandang tinig nila'y parang musika, Mga salita'y isa nang awit,

Gumagandang pananaw at pag-iisip,
Sintamis mo'y aking panlasa,
Tayo'y isa na sa ating Pag-ibig.
Akin nang nadadama ang ang aking pagyakap

Pagtakbo nati'y isa ng malugod at magandang Pangarap
Sa Kamatayan ako'y naligtas
Sa kalungkutan iyong Napawi
Ng dahil sa Iyong Bahagi

Ako ngayo'y isa nang tunay na Nilalang.

Sunday, July 27, 2014
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
Bernadette Fernandez 25 May 2015

I am complete with your dearly HALF Very beautiful poem

1 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success