Kapilas Ng Nagdaan Poem by Catherine Agunat

Kapilas Ng Nagdaan

Kapilas ng nagdaan
Pilit sinusungkit ang isipan
Subalit malabo na ang larawan
Pintig ay di na rin nararamdaman

Sa sandaling himig ko'y mag-uumpisa
Tono'y sa kahapon nais bumisita
Kung diwa ba'y pipiliting doon ay gumala
Sikdo sa puso ay muli bang sisipa

Kumusta ka na, ayos ka lang ba?
Kumain ka na?
Mga luma't gasgas na kataga
Na minsan ay nagpangiti sa ating dalawa

Pero, teka muna!
Sa kasalukuyan ko, ikaw ay kupas na
At bukas, maaaring niyebeng gunaw ang 'yong kaparsa
Kaya, h'wag sanang asahan na muli kong sasambitin ang salitang ' kumusta ka. '

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success