Madilim Na Naman Ang Mundo Ko Poem by John Delle Panlaqui

Madilim Na Naman Ang Mundo Ko

Madilim na naman
Madilim ang kalangitan
Madilim para sa isang taong nabubuhay sa katahimikan

Sa isang taong pagod na sa lahat ng bagay
Sa isang taong ni walang isang kahati sa lumbay
Sa isang taong gulong gulo at litong lito na sa pag iral

Madilim na ang kanyang mundo sa maliwanag na pasilyo
tumatangis sa kanyang masiglang tambayan
Nakadungaw sa ibaba
Pababa ng pababa
Pababa

Sa duloy ng kalaliman

hanggang mahulog sa isang katanungan

Sino ako?
Nasaan nako?
Saan ako patungo?

READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success